October 21, 2021
Thursday
8:35 AM
“Enough is enough.”
That’s what I wrote nu’ng nagsisimula pa lang akong sumulat for my October 2021 journal. Nasa kalagitnaan ako ng buhay when I should think of letting go or I still need to hold on kahit na nasasaktan na ako. It’s not easy para sabihin nang gano’n kadali na “okay” na ako sa sitwasyon ko. When I said “okay”, that means, meron ka nang contentment sa sarili mo, and you are genuinely happy for what you have accomplished. Ako kasi, pinipili ko pa rin na alalahanin ‘yung mga bagay na nagpapasaya sa ‘kin kahit ‘yun din ang puno’t dulo kung bakit ako nahihirapang lumimot.
‘Di ako mapalagay na umiiyak ako kahapon kasi hindi ko lang mapigilan. I mean, sino ang pipigil sa akin na umalala? Kailangan kong tulungan pa ang sarili ko na umiwas sa mga bagay na nagpapaalala sa kanya. I saw a screenshot from my letters, April 2021 archive para sa kanya. My very first long sweet message goes like this:
“I had a great day with you. Should I say ‘the greatest’?
“Sorry kung nag-o-overshare ako kasi I just want to be honest… ngayon ko lang na-experience ‘yung maging masaya since I’m still looking for my lost self. There’s something in you na I can’t explain…
“It’s a sort of attachment, bond, or… ewan. You made me feel safe kaya naiiyak ako kanina saka nahihiya (ng slight).
“…Kung hindi man, sorry kung hindi ko na-meet expectations mo. Sorry kung tameme rin ako kanina! Siguro tama lang ‘yung sinasabi nila na “great things happen in silence and there’s a big lag between when great things happen and when they’re perceived. ‘Yung parang nagtr-travel lang ng mag-isa ‘yung tao at ninanamnam niya ‘yung ambience ng lugar kasi magaan sa pakiramdam.”
That’s the simple message I sent to him nu’ng hapon after naming magkita. It’s been few weeks na rin no’n nu’ng nakahanap siya ng apartment na matutuluyan.
Hahaha… ang weird lang kasi magpahanggang-ngayon, iniiyakan ko pa siya. I mean… what for? Hindi naman niya alam na nag-e-exist pa ‘ko, or even thinking of me the way I think of the happiest days na kasama ko siya. I know to myself na I won’t be able to have someone na katulad niya. Marahil, hindi na ako mag-a-attempt ulit na magdasal para ibigay sa ‘kin ni Lord kung sino man ang dapat na dumating sa akin. Ang alam ni Lord, hindi naman ako naghahanap ng jowa. Palagi na lang kasi akong name-misinterpret ng iba… as if ready ako sa commitment? As if I have the gut to celebrate monthsaries, eh birthday niya, hindi ko nagagawang maging masaya, nakakatikim pa ako ng “birthday blues”.
It’s funny when we crossed our paths, and we helped each other in disguise, and then we hurt each other, and then we’re starting again. It’s all for good…
…bakit ako umiiyak?